Annabelle Rama (Parody): The Monstrous Revelations
As promised, I will be featuring Twitter Parody Superstars in my blog. We are now on our third week.Everybody knows her but not everyone likes her, right Nadia Montenegro? She's known as showbiz's monster mom! She's a bungangera, totally palaban, and walang inaatrasan. She's the matriarch of the Gutierrez Clan. She may have forgotten her manners, but she has not forgotten those who have wronged her and her family. Be scared. Be very scared. Hold tight and brace yourselves for an exclusive one-on-one interview with Ms. Annabelle Rama (@annabellerama69).
ON COMING UP WITH A PARODY ACCOUNT...
Q: What made you decide to come up with a parody account?
Annabelle: Well, nagsasawa na kasi ako sa Facebook then I thought that I will try Twitter since it is popular nowadays. Nung una, gagawa sana ako ng personal acoount pero naisip ko, wala naman akong gaanong friends na gumagamit ng Twitter so what's the use of making one. Then, naisip ko na gumawa ng parody account para naman kahit papaano eh may makapansin sa tweets ko diba. Pero kilala ko na si na Krizzy_KalerQUI at superstarmarian nung una pa man dahil nababalitaan ko na nakakatuwa ang mga tweets nila. Nung una di ko alam kung sinong celebrity ang gagayahin ko. Syempre dapat ung sikat na artista para agaw atensyon talaga pero ewan ko ba bat si Annabelle ang napili ko. ssguro dahil nung mga panahon na yun eh siya palagi ang nasa balita. Hahahaha. Kaya pinanindigan ko na ang pagiging Annabelle. Nilagyan ko nalang ng 69 para halatang parody. hehehe. Sino ba namang celebrity ang maglalagay ng numerong yan sa username nila di ba? Ako lang. Hahaha!
Q: What is your edge over other parody accounts?
Annabelle: Edge? My edge is 52 years of edge. Charaught. Hahaha uhm sa tingin ko, ung pagiging friendly ko? Haha kasi lahat ng nagttweets sa akin, kinakaibigan ko talaga and i tweet them mentioning their names or some terms of endearment like babe, baby, honey, sweetie, sis, mars, dung, day, etc etc. hehe. Sa katunayan nga nagttweet ako minsan na kung ano talaga ang ginagawa ko, nararamdaman ko bilang ako at hindi bilang si Annabelle.
Q: Is it hard to maintain a parody account?
Annabelle: Hindi, kasi i have unlimited Internet access. Salamat sa Globe at madali ko lang nahack ang Unlimited internet data plan nila for a month. Tapos pag malapit na matapos ung plan, hahack ko ulit. Ganun lang. hahaha. Uhm, oras oras nga naka-online ako sa Twitter. Depende nalang kung busy talaga ako, or may lakad, or nasa mall, or nakikipag-date. Hahaha madalas nga naiinip ako dahil ang bagal ng usad ng timelime ko pag weekdays dahil siguro nasa work at school ang karamihan sa aking mga twitter friends (following and followers). Kaya kung ano ano nalang tinitweet ko para lang mapansin. Hahaha.
Q: How do you separate your actual self from your alter ego?
Annabelle: Pag OFFLINE, ako ay ako. Hindi ako si Annabelle. Pero kapag napag uusapan nila si Annabelle, either in public, office, bank, mall, kainan, and even sa bahay, nagpapanting ang tenga ko na para bang gusto kong malaman ang comments nila about kay Annabelle. At madalas, napapangiti nalang ako sa mga comments nila.
Kapag ONLINE naman, ako na si Annabelle. Lahat ng pwedeng i-comment sa mga issues, trending topics, sasabihin ko. mapa negative comment man yan or positive. Pero madalas talaga negative. Pero hahaluan ko ng konting katatawanan para naman mag-enjoy ang mga nagbabasa. Madalas naisasama ko rin sa tweets ko kung sino talaga ako. Dahil tinitweet nila ako bilang ako at hindi si Annabelle. Magulo ba? Hehehe.
Q: What word best describes you as a "parody account"?
Annabelle: Nakalagay nga sa bio ko na "monster mom". Hehe. wWlang kinakatakutan sa mga pagtweets at comment. Actually twice na akong nasuspend sa Twitter pero kita niyo naman, buhay pa rin ako. Hahaha. Nasususpend ako pag binabash ko ang isang celebrity ng tuloy tuloy. I mean sa isang araw, siya lang ang binabash ko. Hahaha. Nung unang suspension ko, si Mond ang tinira ko. Yes, ang pinakamamahal kong anak na bakla na si Mond na kamakailan lang ay tinweet siya using the term "Girl" ni Nicole Andersson. Yung pangalawa naman eh si Charice Fermin Pempengco na every X Factor eh binabash ko. Buti nalang minsan lang ako nasuspend dahil sa kanya. Hahaha.
HER PERSONAL VIEWS AND OPINIONS...
Q: Are you a Kapuso, a Kapamilya, or a Kapatid?
Annabelle: Pag umaga, kapuso (dahil pinapanood ko ang inu yasha na talaga namang gustong gusto ko. Pati mga ibang anime nila tulad ng ghost fighter, flame of recca, bleach etc etc).
Pag tanghali, kapuso/kapamilya (dahil pinapanood ko be careful with my heart, showtime, asap, party pilipinas at syempre, eat bulaga)
Pag gabi , kapatid (kasi pinapanood ko ang WilTime Bigtime, yes. Yun nga, tawagin niyo nakong baduy pero yun talaga, nageenjoy kasi ako sa Kantanong dahil kwento yun ng buhay ng ating mga kababayan, may mga nakakatawa at nakakatouch na kwento na talaga namang nagpapaiyak sa kin. Dagdag ko lang na nagtext ako sa promo nila na house and lot. Hahaha tinry ko lang. Malay niyo ako pala natawagtan ni Wil diba? Hehe)
Q: What is your favorite TV show?
Annabelle: TV show? Sa ngayon wala eh. kasi pag favorite, talagang papanoorin mo ano man ang mangyari. Dati meron...yung mulawin, darna (angel locsin), majika, imortal, encantadia, etheria, marimar, stairway to heaven (dingdong and rhian). pero ngayon, titignan ko kung magugustuhan ko ang temptation of wife (pinoy).
Q: Given a chance to meet a certain celebrity, who would it be?
Annabelle: Si Angel Locsin! Since mulawin days kasi, nagustuhan ko na siya.
Q: If you could date/marry someone from Philippine showbiz, who would it be? Why?
Annabelle: Pakasalan talaga? Oh my, ang dami kong crush na artista. As in madami, hahahahaha. Kung date, silang lahat hahaha..pero kung sa kasalan eh uhm?? Wala eh...hehehe.
Q: What is your view on the Cyber Crime Prevention Act?
Annabelle: Aala namang akong paki jan sa issue dahil hindi naman ako maapektuhan ng batas na yan, unang una, di naman nila ako kilala sa totoong buhay kaya paano nila ako madedemanda diba? Pangalawa, hindi naman nila seseryosohin ang iba kung tweets, although ung iba eh affected tulad ng mga fantards ng mga binabash kong celebrities. Tsaka, kung ilalantad nila ang account ko sa media, abay, ok sa akin yun kasi sisikat ako. Hahahaha.
Q: What is your view on the RH Bill?
Annabelle: Pro-RH bill ako. Yun na. Kung ano ang point of view ni Pia Cayetano, yun na yung sa akin. Keri? Hehehe.
HER LEGACY AND MESSAGE TO FANS & HATERS...
Q: Any message to your followers/fans?
Annabelle: Oh my gosh, I'm so overwhelmed sa inyong lahat. Araw-araw kong tinitweet na mahal na mahal ko kayo. Kayo ang dahilan kung bakit nagttweet pa ako kaya sana wag kayong magsawa sa pagbabasa ng mga tweets ko. Ok?
Q: What is your message to your bashers/haters?
Annabelle: Oh well, salamat sa pagbasa ng mga tweets ko. At least may impact sa inyo diba? Hahaha. Don't worry, di ako nagbblock, kasi feel na feel ko kayo. Kasi dahil sa inyo, feeling ko, sikat ako. Hahahaha. Napasuspend niyo na nga ako twice eh. Hahahaha.
Q: Should parody accounts continue to exist? Should they be banned?
Annabelle: To exist, yes. To be banned, no. Kasi naman, aminin niyo, kami ang nagbibigay kulay sa timeline niyo. Ang mga nakakatawang tweets namin na talaga namang natatawa kayo. Hahaha. Diba? Tsaka sa dami ng problema ng mga tao ngayon, kelangan din nilang tumawa paminsan minsan.
Q: If you could ban a certain parody account on Twitter, who would it be? Why?
Annabelle: Hmm? Wala naman. Kasi mahal ko silang lahat. Sila ang mga sis and mars ko. Kapit bisig, walang laglagan. Purely fun lang. Hahaha.
Q: Will you reveal your true identity before the world ends?
Annabelle: Oo naman. Magugunaw na mundo eh, edi sabihin na. Tutal, madedeads naman tayong lahat. Hahaha.
Q: Will Twitter be the same without you?
Annabelle: Of course not! madaming makakmiss sa akin. As in madaming madami…sina sis lovi, gretch, bungalngal, nora, barubal, lokring, mga anak kong sina ruffa at mond, etc etc at ang mga friends kong hindi #teamPArody at syempre ikaw (Nash). At mamimiss ko rin kayo. Baka nga iiyak ako ng mga 1week. Tapos depressed ng mga 3 weeks at mamimiss ko kayo everyday.
Q: Do you plan to open an account on Facebook or Google+ in the future?
Annabelle: Uhmm oo. Pag medyo tumama na sa 10,000 ang mga followers ko. Hahaha.
Q: How do you want Twitterverse to remember you?
Annabelle: Uhm, isang nakakatuwang kaibigan, mapagkakatiwalaan, madaling pakisamahan, madaling mahalin, sweet, masiyahin, kachismisan. Huhuhuhuhu di ko kayang mawala sa Twitter. Minahal ko na kayong lahat at patuloy ko po rin mamahalin hanggat ako'y nabubuhay.
------------------------------------------------Q&A ENDS HERE-----------------------------------------------
I personally would like to thank Annabelle Rama for this once in a lifetime Q&A opportunity. More power! P.S. You're the only one left who's not using Twitter timeline. =)
If you can't get enough of Annabelle Rama, follow her on Twitter @annabellerama69.
Til then...
xoxo Nash
10 comments :
Inferness may class ang interview ni mommy ditey
So money can buy class na ba?
hihihi love it! tita A rocks! If lalaki ka lang isa kna sa mga lalandiin ko ahihihihi
Napaka-serious naman madam! Ahihihihihi. Pero I love this interview parin.
i-rubeeeeeet! Hehehehehe. kalerQUI
love it... may kirot sa puso hehe!
love it... may kirot sa puso hehe!
I Rub It.... WOW na mentioned ni Tita ang napakaganda ko name na BARUBAL HAHAHAH.. Tita Annabelle talaga ang chracter mo Mare walang takot kahit sa Muntinglupa City Jail ka pulutin HAHAHAHA
ayos ang interview na to. hindi galit si tita Annabelle.
Post a Comment