Taking Parody Accounts to Superstar Level: @noraAsuperstar
I don't know what week we are in but the only thing I'm sure of is that she's part of the sixth batch of Twitter parody accounts to answer this Q&A.She's Philippine showbiz's one and only superstar. Known for her starring role in the film Himala, her staying power in show business can indeed be considered a miracle. She's had her fair share of ups and downs throughout her career yet Nora and her mole remain undeterred. She's hailed by the Green Planet Awards as one of the 10 Asian Best Actresses of the Decade, a World Class Film Artist, a
Q: What made you decide to come up with a parody account?
Nora: First, I was influenced by THE One and Only Ruffa Rama and siya din yung Pioneer ng parody accounts dito sa Pinas. Naaliw kasi ako sa tweets niya. ahahaha! Secondly, dahil sa inis ko dati kay Biggel kaya napagdesisyunan kong gumawa para ma-okray siya. Nainis lang talaga ako sa fez ni Biggel at napatanong ako sa sarili ko: "Kailan pa nagkaroon ng ASO sa bahay ni kuya?" #kaLOLka.
Q: What is your edge over other parody accounts?
Nora: Siguro yung pagiging opinionated ko. Hindi kasi ako nang-ookray lang dahil trip ko. Ookrayin ko lang yung isang artista kapag may masama siyang nagawa o di kaya'y masyado silang mapagmataas kaya dapat paminsan-minsan eh kailangang batukan o pektusan.
Q: Is it hard to maintain a parody account?
Nora: Hindi. Kasi alam ko kasi ginagawa ko at ineenjoy ko kaya hindi ako nahihirapan.
Q: How do you separate your actual self from your alter ego?
Nora: By the time na maglo-log in ako sa twitter bilang @noraAsuperstar, immediately in character na agad ang peg ko. Kasi "maldita" kasi yung alter ego and i can say whatever is on my mind. Tapos kapag nag-log out na, bumabalik na yung "normal" na ako, yung sweet at mabait. Parang "Maria Clara" lang. charot!
Q: What word best describes you as a "parody account"?
Nora: SUPERSTAR =.)
HER PERSONAL VIEWS AND OPINIONS...
Q: Are you a Kapuso, a Kapamilya, or a Kapatid?
Nora: kaDUGO. charot! May part na Kapamilya/Kapatid ako at isama na rin natin ang Kapuso. ahahaha! Pero sa totoo lang, mas GUSTO ko magkaisa yung TV networks dito sa Pinas. Kasi kung mangyayari yun, mas magiging masagana at masaya ang Showbiz industry dito. Kaya nga nagtataka pa rin ako hanggang ngayon at napapatanong: "Kung nangyaring naibalik nila ang pagkakaisa ng tatlong TV stations sa #AlayTawaParaKayDolphy, bakit hindi nila yun ituloy?" Kaya dapat gumawa si Tito "Plagiarist" Sotto ng "NoToTVNetworkWars" Bill para naman makabawi siya sa kahihiyang naidulot niya sa bansa natin. ahahaha!
Q: What is your favorite TV show?
Nora: Hindi ako specific when it comes sa mga shows. Marami kasing magagandang shows ang nagkalat ngayon sa telebisyon kaya pinipili ko talaga ng maigi yung maganda ang "material" at yung plot ng story. Ayoko ko kasi sa paulit-ulit at predictable na storyline. Heller! Superstar kaya akez kaya kailangan kong maging strikto. charot!
Q: Given a chance to meet a certain celebrity, who would it be?
Nora: Nora Aunor, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, at Kris Aquino. Gusto ko kasing makilala yung "normal" side nila, yung hindi bilang artista.
Nora: My two ULTIMATE crushes sa Philippine Showbiz ay sina Rafael Rosell at Kenji "Jiro" Shirakawa. Ewan ko lang pero iba kasi yung dating nila sa akin, may oozing sexiness na nakakaloka at very manly. Gusto ko sila makasama sa isla, sana nga ma-stranded kami para may "I live happily ever after" na yung drama ng buhay ko. charot!
Q: What are your pet peeves? What makes you tick?
Nora: Yung mga twitter users na ignorante at mababaw ang galaw ng utak. Yung mga hindi alam ang kaibahan ng "poser" at "PARODY" account. At yung mga #FameWhores at #JejeFANTARDS.
Q: What is your view on the Cyber Crime Prevention Act?
Nora: I am very much in favor of this bill, minus lang yung e-libel clause. Kasi sa totoo lang, maganda kasi sana yung aim ni Sen. Angara sa nakasaad dun sa batas gaya ng pagbabawal ng child pornography, identity theft, hacking, spamming, etc. Siguro doon lang nakuwestyon nung napasok yung "e-libel clause" na hindi man lang natignan ng mabuti at pumirma agad yung ibang senators. Pero if ever hindi man ito maisakatuparan dahil marami pa ang pumipigil, meron naman din ginagawang bagong version si Sen. Miriam ang "Cybercrime Law version 2.0" kung saan mas pulido yung bill at wala ng masasagasaang "freedom of speech" sa cyberworld.
Q: What is your view on the RH Bill?
Nora: Napaka-sensitibong talakayin itong RH bill kaya mahirap magsalita. Siguro I am both an Anti and a Pro at the same time. Basta kung ano man ang maging desisyon ng pamahalaan tungkol dito, sana ay magampanan nila ng maayos at hindi sana masayang ang pondo na gagamitin dito at dasal ko rin na sana'y hindi mapasok sa bulsa ng mga mapagsamantalang "public servant" ang funds na gagamitin sa batas na ito.
HER LEGACY AND MESSAGE TO FANS & HATERS...
Q: Any message to your followers/fans?
Nora: Thank you for following me! ahahaha! Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila, walang saysay yung mga tinutweet ko. ahahaha! At nagpapasalamat din ako sa pagmamahal nila. #CertifiedAUNORians
Q: What is your message to your bashers/haters?
Nora: Wala. Because I don't think I have one. Hindi naman ako kasing-sikat nina @Krizzy_kalerQUI at @Superstarmarian para magkaroon ng haters/bashers. Siguro marami akong "Lovers" kesa "haters". charot! #Meganon?
Q: Should parody accounts continue to exist? Should they be banned?
Nora: YES and NO. Parody accounts should NEVER be banned because WE are the JOY to the NOT so enjoyable world of Twitter. #Ansaveh?
Q: If you could ban a certain parody account on Twitter, who would it be? Why?
Nora: si @DonyaAngelica. Isa kasi siyang SINUNGALING, MAGNANAKAW at IMPOSTOR na account. Ninakaw niya lang ang character na yan sa ORIHINAL na si @DonyaSantibanez. Kaya dapat balatan ng buhay yang si DonyaAngelica para magtanda at tablan din ng kahihiyan. chos!
Q: Will you reveal your true identity before the world ends?
Nora: Never. Kasi mawawala yung purpose ng pagiging "parody" account ko kung ilalathala ko yung totoong katauhan ko. Mas mabuti na yung ganito, para pumutok bumbumanan nila sa kakaisip kung sino ba talaga kami sa totoong buhay at para may kahati din si "kuya" (Pinoy Big Brother) at "banker" (Kapamilya Deal or No Deal) sa pagiging mysterious ano. chos!
Q: Will Twitter be the same without you?
Nora: Definitely! Sa rami naming nag-eexist na "parody" accounts sa twitter kahit siguro mawala ako ay keribels lang kasi mas marami namang mas nakakaaliw at nakakatawa kesa sa akin. =.)
Nora: Ayoko. Tinatamad ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa Friendster account ko tapos gagawa na naman ako ng panibago? charot!
Q: How do you want Twitterverse to remember you?
Nora: Bilang nag-iisang @noraAsuperstar! chos!
I personally would like to thank Nora Aunor =.) for this once in a lifetime Q&A opportunity. More power!
If you can't get enough of Nora Aunor =.), follow her on Twitter @noraAsuperstar.
Til then...
xoxo Nash
7 comments :
Lovi-eeeeeeeet tita!
#iRUBit
Good job Lola...err....tita Guy! Hehehehehe #kalerQUI
Kay tita Guy ko nalaman yung tungkol kay Donya Angelica! Matalino si tita infairloo. BTW, sino pa dito ang binabasa ang interview habang ini-imagine ang boses ni tita? Ahihihihihihihi.
Thank you so much Nash! Kinakabahan talaga ako while answering the "RH Bill" and "Cybercrime Law" chenes na yan. Napa-"I need an interpreter" ang drama ko at nahawa akez kay Tetay. ahahahaha! Salamat at nagustuhan ninyo. Lahat naman ng "Parody" accounts ay may kanya-kanyang "Talino" =.) At bet ko ang INTRODUCTION sa akin ni Nash! Very INTERNATIONAL. ahahahaha! PS: Nash, meron na pala akez Google+ na account, ginawan akez ng aking kumare na si Tetay! ahahahaha! #iRUBit! #Lovieeeett!
You're welcome Nora. Ang sweet naman ni Tetay! You may email me kung gusto ma-update yung ibang answers mo. =)
Ayy wit ko na i-update sagot ko Master Nash =.) Nagpapasalamat lang akez at todo-support ang kumares ko sa akin. chos! Mabuhay ang Pilipinas!
Post a Comment